NAKUMPUNI na ng mga enhinyero at track persons ng Philippine National Railways (PNR) ang bahagi ng riles nila na nasira ng nagdaang Bagyong Paeng sa baganan ng Libamanan, Camarines Sur.
Ngayong araw, Oktubre 31 nang makumpleto ang pagsasaayos sa riles na napinsala ng Bagyong Paeng sa Brgy. Awayan, Libmayan, Camarines Sur.
Ito ang bahagi na nagkokonekta sa bayan ng Sipocot ng kaparehong lalawigan.
Dahil dito maaari nang daanan muli ng mga tren ng PNR na may biyaheng Naga-Sipocot at vice versa.