NAKITA ng isang teacher ng Jose Maria College Foundation, Inc., (JMFCI) na si Diane Suazo, ang bala ng baril sa sahig habang siya ay nagwawalis sa 2nd floor ng building kaninang alas-sais ng umaga.
Ang naturang building ay isa sa mga ginawang tulugan at pahingahan ng PNP sa mahigit isang linggong ilegal nilang pananatili sa KOJC compound.
Simula Agosto 24 ay hindi pa nakakabalik sa face-to-face classes ang JMCFI dahil sa ginawa ng kapulisan.