NANINIWALA si Ateneo de Manila University (AdMU) head coach Tab Baldwin na makakapagbigay ito ng sagot kontra sa University of the Philippines (UP) matapos itong matalo sa Game 1 ng UAAP Season 85 Men’s Basketball Finals.
Mayroon na lamang na isang laro ang Blue Eagles upang makontra ang defending champions sa Game 2 ng kanilang laro kung saan maaari nang tuluyang maiuwi ng Fighting Maroons ang korona sa ikalawang sunod na pagkakataon.
Nagawa pang makahabol ng Blue Eagles sa double0digits na lead ng UP sa fourth quarter ng Game 1 ngunit hindi nito nagawang makumpleto ang comeback nito dahil sa matinding depensa ng Fighting Maroons.
Ayon kay Baldwin, nahirapan sila sa execution ng kanilang laro sa kalagitnaan ng laban dahil maganda ang pressure na ibinibigay ni Baldwin at aniya, kailangan nilang makaisip ng paraan upang matugunan ang pressure na mayroon ito.
Gaganapin ang Game 2 ng Battle of Katipinans ngayong araw kung saan mahaharap sa do-or-die ang Blue Eagles.