Balikatan Exercises, isasagawa sa Batanes ngayong linggo

Balikatan Exercises, isasagawa sa Batanes ngayong linggo

TINIYAK ng AFP Northern Luzon Command (NOLCOM) na walang dapat na ikabahala ang mga residente ng Batanes sa Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ay kasunod ng Key Leaders Engagement Forum sa Provincial Capitol ng Batanes na dinaluhan ng mga punong barangay, municipal mayors, department heads, church leaders, at lider ng iba’t ibang sektor sa probinsiya.

Ayon sa NOLCOM, walang isasagawang live fire exercises sa Batanes at ang air assault operations exercise, non-standard maritime and free-fall infiltration, at High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS) landing via Landing Craft Utility (CLU) at hindi makakaapekto sa kabuhayan, ancestral domain, at protected areas.

Nabatid na gagawin ang pagsasanay sa probinsya sa Abril 22 – 23.

Maliban dito, siniguro ng NOLCOM na ang Balikatan ay walang kinalaman sa sigalot sa pagitan ng China at Taiwan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter