Teves, bilib sa ‘power’ ni Mayor Janice Degamo

Teves, bilib sa ‘power’ ni Mayor Janice Degamo

HANGA ngayon si suspended Congressman Arnie Teves na tinawag niyang ‘power’ ni Pamplona Mayor Janice Degamo, ang maybahay ng nasirang Governor Noel Degamo ng Negros Oriental.

Saad ni Teves, tila sumusunod kay Mayora Degamo ang gobyerno sa lahat ng request nito.

Lalo na’t pinagbigyan aniya ng Senado ang request ni Degamo na hindi siya pasalihin sa Senate hearing nitong Lunes.

At ngayong may request si Mayora Degamo sa Kamara na patalsikin ito bilang kongresista, saad ni Teves na hindi na ito magtataka kung pagbibigyan ang hiling ng local chief executive.

“Ngayon magre-request na naman siya na ipa-expel ako, baka pakinggan rin nila? Di ba? Kung ganoon siya ka-powerful, wala tayong magagawa,” ani Teves.

Para sa suspendidong mambabatas, lahat na ng ‘foul’ ay ginawa sa kaniya at sa kaniyang pamilya pati sa kaniyang mga tauhan pero sana aniya ay inunang tapusin ng DOJ ang imbestigasyon bago siya husgahan bilang mastermind sa pagpatay kay Gov. Degamo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter