KAUNA-unahang pagkakataon na sobrang lapit ang pag-landing ng ballistic missile mula North Korea sa South.
Ito ang ibinalita ng Seoul dahil ang missile na napunta sa kanilang katubigan ngayong araw ay mas malapit pa sa 60 kilometro mula sa kanilang baybayin.
Hindi man pasok sa territorial waters ng Seoul subalit malapit naman ito sa northern limit line, ang Inter-Korean Maritime Border.
Ayon Kay South Korean President Yoon Suk-Yeol, pagpapakita ito ng Pyongyang ng panghihimasok sa isang teritoryo.
Bilang tugon ay nagpalipad din ng tatlong air-to-ground missiles ang South Korea papuntang dagat.
Kamakailan ay sinabi ng Pyongyang na mas mainam na ihinto ng Seoul at Estados Unidos ang kanilang kasalukuyang maritime exercises dahil isa lang anila itong panunukso sa kanila at hindi na nila ito mai-tolerate pa.