“Balota” film ni Marian Rivera, “top-grosser”

“Balota” film ni Marian Rivera, “top-grosser”

‘’TOP-GROSSER’’ na naman ang latest na pelikula ni Marian Rivera.

Sa halos dalawang linggo nang ito ay mai-release, nakapagtala ng sold-out screenings ang political action-thriller na ‘Balota’ sa halos dalawang daang sinehan.

Ang catch pa nito, inanunsiyo na rin ni Marian na may ibibigay silang P150 na special rates para sa mga guro at mag-aaral upang makapanood ang mga ito sa nabanggit na pelikula.

Samantala, co-winners ng best actress award sa Cinemalaya 2024 kamakailan sina Marian Rivera at Gabby Padilla.

Ang pagiging tampok ni Marian sa Cinemalaya entry na “Balota” ang sanhi ng award habang si Gabby ay para sa entry na “Kono Basho”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble