Balotang gagamitin sa BARMM parliamentary elections, may mga mukha ng mga kandidato—COMELEC

Balotang gagamitin sa BARMM parliamentary elections, may mga mukha ng mga kandidato—COMELEC

MAGLALAGAY ang COMELEC ng mga mukha ng kandidato sa opisyal na balotang gagamitin para sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Oktubre.

Sa Kapihan sa Manila Bay News Forum, sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na maganda na may larawan para makita ng mga botante ang mukha ng kanilang iboboto.

Nilinaw din ng komisyon na ang paglalagay ng larawan ng mga kandidato ay nakapaloob sa election code ng Bangsamoro.

Sa balota, magkakaroon rin ng opsyon na none of the above sakalit ayaw ng botante bomoto o wala siyang mapili na partikular na kandidato.

Para sa BARMM elections, may 2.3 milyong botante ayon sa komisyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble