OPISYAL nang binuksan sa Las Piñas City ang kanilang Bamboo Organ Museum bilang paghahanda para sa nalalapit na Ika-50 taong pagtatanghal ng Iternational Bamboo Organ Festival.
Pinangunahan ang ribbon-cutting ceremony nina Vice Mayor April Aguilar at Bamboo Organ Foundation President Leo Renier.
Ang museo ay itinatampok ang mga kasaysayan sa lungsod partikular na ang pagsasabuhay ng Musika sa Pilipinas gamit ang Bamboo Organ.
Malaki ang naging kontribusyon ng Bamboo Organ ng Las Piñas sa Sining at Musika sa bansa mula sa ideolohiya ni Fr. Diego Cera, isang Spanish priest na gumawa ng nasabing instrumento noong pang 19th century.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Las Piñas LGU sa mga nasasakupan nito sa patuloy na pagtangkilik sa kultura at kasaysayan ng kanilang lugar.
Sa kabila ng pagbabago ng panahon, dapat pa rin anila na isapuso ang pagmamahala sa kulturang Pinoy at pagmamamalaki sa angking galing at talino ng mga Pilipino saan mang dako ng mundo.