Bangkay ng isang CTG na nasawi sa bakbakan sa Abra bibigyan ng maayos na libing ng militar

Bangkay ng isang CTG na nasawi sa bakbakan sa Abra bibigyan ng maayos na libing ng militar

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ngayon ang pamunuan ng 501st Infantry Brigade sa Philippine National Police (PNP) at local government unit (LGU) Lacub sa lalawigan ng Abra sa mga kaanak ng nasawing New People’s Army (NPA) upang mabigyan ito ng maayos na burol at libing.

Hindi muna isinapubliko ang personal na impormasyon o pagkakakilanlan ng nasabing NPA ngunit ito ay kasapi ng Komiteng Larangang Guerilla North Abra.

Matatandaan na pasado alas-otso ng umaga nitong Oktubre 13, 2023 nang makasagupa ng 77th Infantry Battalion sa bulubunduking bahagi ng Barangay Buneg, Lacub, Abra.

Ang tinatayang nasa limang miyembro ng KLG North Abra na ikinasawi ng isang miyembro nito.

Narekober naman sa lugar ang isang M16 rifle, magazines at mga bala, dalawang jungle packs, isang commercial radio, isang medicine kit, mga subersibong dokumento at mga personal na gamit.

Sa kabila nito, patuloy ang panawagan ng PTF-ELCAC sa mga natitira pang NPA na nasa kabundukan na bitawan na ang baril, talikuran ang armadong pakikibaka at yakapin ang mga benepisyong inilaan para sa kanila upang mabigyang puwang ang tuloy tuloy na kapayapaan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter