Bangkay ng nawawalang beauty queen sa Tarlac at kinakasama nito, natagpuan na

Bangkay ng nawawalang beauty queen sa Tarlac at kinakasama nito, natagpuan na

NAKITA ng mga awtoridad ang bangkay ng Beauty Queen na si Geneva Sarita Lopez at fiance nitong Israeli Yitshak Cohen sa isang quarry site sa Brgy. Sta. Lucia, Capas, Tarlac, Sabado ng umaga July 6, 2024.

Una nang napaulat na nawawala ang dalawa noon pang June 21, 2024.

Ayon sa panayam kay PNP-PIO Chief PCol. Jean Fajardo, kinumpirma mismo ng mga kaanak ni Lopez ang katawan ng biktima dahil sa suot nito.

Batay sa huling impormasyon ng PNP, 2 ex-police ang sangkot sa krimen.

Sa kabuuan, nasa 5 persons of interest ang sinasabing may kinalaman sa pagkawala at pagkamatay ng 2 biktima at posibleng umabot sa 7 suspek ang maaaring kasabwat rito.

Kasalukuyang nasa Lotus Funeral sa Brgy. San Vicente, Tarlac City, ang bangkay ng dalawa para isailalim sa autopsy at DNA testing/analysis para siguruhin ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter