Bangkok police, inaresto ang nasa 200 na turista sa karaoke bar drugs bust

Bangkok police, inaresto ang nasa 200 na turista sa karaoke bar drugs bust

INARESTO ng Thai police ang nasa higit 200 na turista sa isang drugs bust sa isang illegal karaoke bar sa Bangkok.

Base sa ipinakita ng Thai media footage, namataan ang mga turistang wala sa ulirat, at mga kalat ng party sa Sathorn district venue.

Ayon kay Royal Thai police spokesperson Archayon Kraithong, karamihan sa mga nasangkot sa nasabing drugs bust ay mga Chinese nationals.

Ani Kraithong, nagsagawa ang kapulisan ng urine test at napag-alaman na gumamit ang mga ito ng illegal substances.

Magsasagawa pa ng ibang tests upang malaman kung anong klaseng droga ang ginamit ng mga turista at saka papatawan ng hatol.

Base sa post ng official Thai police Facebook page, ang ilan sa mga drogang pinaniniwalaang ginamit ay ketamine at MDMA, methamphetamine, at diazepam.

Follow SMNI NEWS in Twitter