NANGANGAILANGANG mag-angkat ng bansa ng nasa 200K metric tons ng asukal.
Ayon sa United Sugar Producers Federation (UNIFED), ito’y para maiwasan ang kakulangan ng suplay lalo na’t ang mga sugarcane plantation sa Negros ay apektado ng El Niño.
Hindi na anila kailangan din na lumagpas ng 200k metric tons para sakaling magsisimula na ang milling season ay mapro-protektahan ang mill gate price ng mga magsasaka.
Kasabay nito ay hinikayat ng UNIFED na magkaroon na ng cloud seeding operations sa mga sugarcane plantation sa Negros.