ISANG Pilipinas na malinis, luntian, at kaaya-aya—hindi ito imposibleng mangyari, lalo na kung may isang Pastor Apollo C. Quiboloy na sa Senado.
Likas sa bawat Pilipino ang hangaring manirahan sa isang lugar na payapa, maaliwalas, at malinis—kung saan presko ang hangin, masarap huminga, at bawat tanawin ay nagbibigay kapanatagan sa puso’t isipan.
Isa itong pangarap na sa tagal nang panahon ay tila malabo na ngang matupad. Ngunit may naniniwala pa ring posible itong mangyari.
Si Pastor Apollo C. Quiboloy—ang lider na hindi lang nangarap, kundi gumagawa ng mga konkretong hakbang. Sa paanan ng Bundok Apo, ang dating masukal at ‘di-pinapansing bahagi ng Davao ay isa na ngayong paraiso na likha ng determinasyon: ang Prayer Mountain Paradise Garden of Eden Restored at Glory Mountain sa Davao City.
Hindi lang basta’ng tourist attraction ang nabanggit na mga lugar dahil ang mga ito’y patunay na sa tamang liderato at matinding malasakit, kayang buhayin ang kagandahang akala ng marami ay nawala na.
At sa kasaysayan ng bansa, si Pastor Quiboloy pa lamang ang Pilipinong nakapagpatayo ng isang hardin na halos kasing lawak ng isang siyudad—na ikinamangha ng libu-libong Pilipino.
Dahil dito, isinilang ang Sonshine Philippines Movement (SPM) noong 2005—isang makabayang kilusan na may layuning pangalagaan, protektahan, at pagandahin ang inang kalikasan.
At kahit nga ngayong nagpapatuloy ang panggigipit at paninikil ng gobyernong Marcos Jr. dahil sa paninindigan niya sa tama—hindi ito naging dahilan para panghinaan siya ng loob. Bagkus, mas lalo pang nag-alab ang hangarin niyang mapalawak ang kaniyang mga adbokasiya tulad ng: mga sabayang clean-up drive, tree planting activities, at mga proyektong umaabot sa loob at labas ng bansa.
2005 nang itatag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang Sonshine Philippines Movement—na naglalayong pukawin ang damdaming makakalikasan ng bawat Pilipino—mula kabataan hanggang matatanda.
“Ngayon, ang adbokasiya rin ang kalinisan ng kapaligiran. Ilulunsad ko ang greening and beautification project. Kabilang ang pagtatanim ng puno, mga bulaklak. Magpapakalat ng mga buto at bulaklak upang mapalakas ang bio-diversity,” wika ni Pastor Apollo C. Quiboloy, DuterTen Senatorial Candidate.
Hindi rin matatawaran ang epekto ng kanilang mga proyekto: libu-libong punong itinanim, toneladang basura ang naipon at na-dispose nang maayos, at higit sa lahat—libu-libong puso ang naantig at na-motivate na kumilos para sa kalikasan.
Ayon kay Pastor Quiboloy, ang SPM ay higit pa sa programa—ito ay isang disiplina, paninindigan, at uri ng pamumuhay.
“Isasagawa ko ang national cleanliness drive na maging empleyo sa mga walang trabahong Pilipino upang panatilihin ang kalinisan sa buong bansa,” ani Pastor Quiboloy.
Sa likod ng matagumpay na Sonshine Philippines Movement—na 20 taon nang nagsusulong ng kalinisan, kaayusan, at pagmamahal sa Inang Kalikasan—ay ang lider na may kakayahan, malasakit, at napatunayang gawa: Pastor Apollo C. Quiboloy.
At oras na maupo siya sa Senado, bitbit ang adbokasiyang ito, hindi lang proyekto ang isusulong niya—kundi isang makabansang kilusang magpapalinis, magpapaganda, at muling magpapaangat sa dignidad ng kalikasan sa buong bansa.
Dahil kung nagawa niya ito bilang isang pribadong mamamayan, ano pa kaya ang magagawa niya bilang isang mambabatas?
Isang Pilipinas na malinis, luntian, at kaaya-aya—hindi ito imposibleng mangyari, lalo na kung may isang Pastor Apollo C. Quiboloy na sa Senado.