Barangay Ginebra San Miguel, nakuha ang unang panalo vs. North Port Batang Pier sa kanilang semifinals series

Barangay Ginebra San Miguel, nakuha ang unang panalo vs. North Port Batang Pier sa kanilang semifinals series

SA pagsisimula ng semifinals series ng PBA Commissioner’s Cup, nakuha ng Barangay Ginebra San Miguel ang unang panalo laban sa North Port Batang Pier.

Sa kanilang laban, unang quarter pa lang ay hawak na agad ng Gin Kings ang 9 points lead sa iskor na 31-22.

Pagdating ng second half, bahagyang naibaba ng Batang Pier ang lamang ng kanilang kalaban.

Ngunit pagdating ng third quarter, gumawa ng 32 points ang Barangay Ginebra na naging daan sa 20 plus points lead nila—na nagtiyak din sa kanilang panalo sa first game ng Best-of-Seven Series.

Tila hindi naman alintana nina Justin Brownlee, Scottie Thompson, Jamie Malonzo, Japeth Aguilar, Troy Rosario at La Tenorio ang duty sa Gilas Pilipinas na sumabak sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers nitong nagdaang linggo sa muli nilang pagbabalik sa court kasama ang Gin Kings.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble