Baricuatro, nag-uwi ng silver sa World Boxing Cup sa Kazakhstan

Baricuatro, nag-uwi ng silver sa World Boxing Cup sa Kazakhstan

NASUNGKIT ni Jay Bryan Baricuatro ang silver medal sa men’s 50kg division ng 2025 World Boxing Cup sa Astana, Kazakhstan, matapos talunin ng hometown bet na si Sanzhar Tashkenbay via unanimous decision, 5-0.

Bago ang finals, pinataob ni Baricuatro ang mga pambato ng Italy, India, at Australia. Siya lang ang nag-iisang medalist ng Pilipinas sa torneo na nilahukan ng 450 boksingero mula sa 35 bansa.

Sa kaniyang Facebook post, nagpasalamat si Baricuatro sa pamilya, kaibigan, at national teammates, at nangakong babawi sa susunod na laban.

Gaganapin ang final leg ng World Boxing Cup sa New Delhi, India mula Nobyembre 5–22.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble