ILANG beses na pinaalalahanan ng KOJC, ang kapulisan na mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng compound ang pag-ihi at pagdura kahit saan, pati na ang paninigarilyo.
Ngunit sa limang araw na ilegal na pag-okupa ng PNP sa naturang compound, marami nang nahuli sa akto ang KOJC missionaries na umiihi at naninigarilyo.
Bukod sa pagiging sagrado ng lugar, may anti-smoking ban rin na ipinapatupad ang Davao LGU.