NAUNA nang pinitik ni incoming Davao Vice Mayor Baste Duterte si Sen. Imee Marcos sa kasagsagan noon ng People’s Initiative issue sa Davao.
Pero ayon kay former Presidential Spokesman Harry Roque na naroon sa selebrasyon ni VP Sara sa ICC.
“Alam niyo ba ang bungad na sinabi ni Vice Mayor Baste kasi late siyang dumating? Oh! Hindi pa rin kita binoto!” pahayag ni Atty. Harry Roque, Former Presidential Spokesman.
Kuwento pa ni Roque sa kaniyang YouTube vlog—talagang prinangka ng bunsong kapatid ni VP Sara ang senadora na hindi ito nanalo sa Davao sa nakaraang eleksiyon.
”Kinakausap niya si Senator Imee. Number 14 ka sa Davao, hindi ka pa rin binoto sa Davao,” dagdag ni Roque.
Sabi ni Roque, hindi pa doon natapos ang eksena, dahil sa harap ni VP Sara at ng ina nitong si Elizabeth Zimmerman ay ganito ang sinabi ni Vice Mayor Baste.
“Dini-deadma lang niya tapos siyempre nagkakarinyo. Ikaw talaga Mayor ha, ‘di mo na ako talaga pinatawad, ‘di mo na ako binigyan ng chance ha? Pero dire-diretso si Mayor Baste talaga! Hindi kita binoto,” ayon pa kay Roque.
Samantala, ngayong nagka face-to-face sina Roque at Senator Imee, ay prinangka nito ng tanong ang panganay na kapatid ni Pangulong Marcos Jr. sa isyu ng umano’y drug use ng presidente.
Tanong ito ng lahat ng Duterte supporters at kung bakit walang aksiyon ang Super Ate dito?
Sen. Imee sa isyu ng drug use ni Marcos Jr: I still have to see the evidence
“Bakit kasi ayaw mong sabihin na Bangag ‘yang kapatid mo eh kapatid mo ‘yan? Eh nagsimula ‘yung kaniyang bisyo na ‘yan sa kolehiyo pa siya? Bata pa siya! So kakilala mo siya. Ang sabi niya, ito ha? Iko-quote ko: Because I have not seen any evidence!”
“Siguro naman napakaliit ng mundong nililibutan nila—ginagalawan nila. Ilan lang naman ang mga mayayaman at makapangyarihan sa Pilipinas sila-sila rin ‘yan. Kahit papaano alam rin niya ang mga usap-usapan na bisyo ng kaniyang kapatid,” ani Roque.