Batang Gilas Pilipinas, pasok na sa FIBA U16 Asian Quarterfinals

Batang Gilas Pilipinas, pasok na sa FIBA U16 Asian Quarterfinals

TINALO ng Batang Gilas Pilipinas ang koponan ng South Korea sa iskor na 95-71 upang masungkit ang quarterfinals seat sa FIBA ​​​​U16 Asian Championship 2023 sa Qatar.

Sa kabuuan ng laro, nakaambag ng 25 points si Joaquin Ludovice, 17 points mula kay Kurt Velasquez at 13 rebounds, 11 points at apat na assists naman mula kay Kiefer Alas.

Samantala, sa South Korea naman pinangunahan ni Daniel Edi ang laro na may 18 puntos, 12 rebounds, apat na assist, isang steal, at dalawang block.

Ito ang unang pagkakataon na tinalo ng National Youth Squad ang South Korea sa FIBA ​​​​competitions.

Unang makakaharap ng Batang Gilas sa quarterfinals ang koponan ng Japan.

Follow SMNI NEWS on Twitter