SASABAK na sa susunod na linggo sa Southeast Asia Basketball (SEABA) under-16 championship ang Gilas Pilipinas Boys Squad sa Indonesia.
Ayon kay Chot Reyes, coach ng Gilas Pilipinas, malaki ang pag-asa na manalo ang Gilas Pilipinas Boys Squad sa lahat ng laro.
Ani Reyes, kahit maiksi lang ang paghahanda ng Batang Gilas ay nakatitiyak naman siya na handang-handa na ang mga ito.
Kabilang sa 18 miyembro ng Batang Gilas sina Irus Chua, Kieffer Alas, Kurt Velasquez, CJ Amos, Bon Daja, Paul Diao, Edryn Morales, Gian Gomez, Brian Hachuela, Elijah Williams, Ben Jimenez, Daniel Sta. Maria, Joaquin Ludivice, Ethan Kaw, Jheremy Godoy, Ziv Espinas, Champ Arejola at Jaime Gomez de Liaño.