Batang nahulog sa creek sa Caloocan, natagpuang patay sa ilog sa Marilao, Bulacan

Batang nahulog sa creek sa Caloocan, natagpuang patay sa ilog sa Marilao, Bulacan

KINUMPIRMA ng lokal na pamahalaan ng Caloocan na natagpuan na kanina ang batang nahulog kahapon 2:25 ng hapon sa Pag-asa Creek sa Brgy. 176.

Sa isinagawang search and rescue operation ng Caloocan Disaster Risk Reduction and Management (CDRRMC) Department ay natagpuan ang walong taong gulang na batang lalaki kaninang 8:00 am sa ilog sa ilalim ng Saog Bridge sa Marilao, Bulacan at tuluyan itong naiahon mula sa tubig bandang 9:22 am.

Nabatid na pansamantalang itinigil ang paghahanap kagabi sa bata dahil madilim na at ipinagpatuloy na lang ito kaninang umaga.

Kaugnay rito ay nangako si Caloocan City Mayor Along Malapitan na magbibigay aniya siya ng pinansiyal na tulong sa pamilyang naulila, partikular na ang burial assistance.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble