Batang Pier hindi pumayag na ma-sweep ng Gin King sa semifinals series

Batang Pier hindi pumayag na ma-sweep ng Gin King sa semifinals series

NAPANATILI ng North Port Batang Pier ang kanilang kampanya sa semifinals series laban sa Barangay Ginebra San Miguel.

Ito ay matapos na magwagi ang koponan sa iskor na 108-103 at naiwasang ma-sweep.

Sa first quarter, dikit ang puntos ng dalawang team pero sa pagtatapos ng third quarter, umabot sa 10 ang lamang ng North Port.

At sa huling higit dalawang minuto ng kanilang laro, sinubukang habulin ng Gin Kings ang lamang ng Batang Pier at nagawa nila itong maibaba sa isang puntos sa iskor na 104-103 sa last 36 seconds ng kanilang game.

‘Yun nga lang, nagwagi pa rin sa laban ang North Port.

Tumulong naman sa panalo ng koponan si Arvin Tolentino na gumawa ng halos triple-double na 20 points, 11 assists at 9 rebounds.

Habang may 39 points si Kadeem Jack.

Sa ngayon, 3-1 na ang kanilang serye na pabor sa Gin Kings.

Magkakaalaman naman sa game 5 ngayong Biyernes, Marso 7 kung uusad na sa finals ng PBA Commissioner’s Cup ang TNT at Gin Kings.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble