Batas na magtataas sa age of sexual consent sa 16-anyos, nilagdaan na

Batas na magtataas sa age of sexual consent sa 16-anyos, nilagdaan na

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na layong itaas ang edad para sa statutory rape o sexual consent.

Sa ilalim ng Republic Act 116481, itataas na sa labing anim taong gulang mula sa kasalukuyang labing dalawang taong gulang ang edad para sa statutory rape, anuman ang sexual orientation ng mismong offender o ng biktima.

Ibig sabihin, ituturing nang statutory rape ang pakikipagtalik ng adult sa hindi pa sumasapit sa edad na labing anim.

Una nang sinabi ng mga mambabatas na kailangan ito para maprotektahan ang mga bata sa sexual exploitation at pang-aabuso.

Follow SMNI News on Twitter