SUNDIN ang ipinatutupad na discounts at iba pang uri ng benefits para sa persons with disabilities (PWDs) na nakabatay sa Republic Act no. 10754.
Panghihilkayat ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos nakatanggap ang National Council on Disability Affairs ng reklamo kaugnay dito.
Ang sinumang mahuhuli na lalabag sa batas, paalala ng dswd, ay pagmumultahin ng 50 hanggang 200 thousand pesos.
Maaari rin itong makulong ng anim na buwan hanggang anim na taon.
Maaari ring makansela ang business permits o prangkisa ng violator.