Bawas-presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad simula bukas, Martes, Marso 11

Bawas-presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad simula bukas, Martes, Marso 11

MAGANDANG balita sa ating mga motorista, muling magpapatupad ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula bukas, Martes, Marso 11.

Sa abiso ng Pilipinas Shell, Seaoil at Caltex, matatapyasan ng piso at pitumpung sentimos ang kada litro ng kanilang gasolina.

Habang siyamna pung sentimos ang bawas-presyo sa kanilang diesel at piso at walumpung sentimos naman sa kerosene.

May kaparehong price rollback naman sa gasolina at diesel ang Cleanfuel at iba pang kumpanya ng langis.

Epektibo naman ang naturang oil price adjustment bukas ng 6:00 ng umaga maliban sa Cleanfuel na alas-osto uno ng umaga.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter