Bayan ng Palanan sa Isabela, malaya na sa CTGs

Bayan ng Palanan sa Isabela, malaya na sa CTGs

SA bisa ng Joint Resolution Number 01 s. 2024, pormal nang idineklara bilang “Insurgency-Free at State of Stable Internal Peace and Security” ang bayan ng Palanan sa lalawigan ng Isabela.

Ang nasabing deklarasyon ay kasunod ng sunud-sunod na pag-apruba ng mga resolusyon ng Palanan Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC).

Dumalo sa nasabing seremonya si Palanan Mayor Angelo Bernardo, naroon din ang commander ng 5th Infantry Division (ID), Philippine Army (PA) na si MGen. Audrey Pasia, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Region 2 Dir. Plormelinda Olet at marami pang iba.

Ayon kay Maj. Riggor Pamittan, tagapagsalita ng 5th ID, ngayong malaya na mula sa kamay ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF ang naturang bayan, naniniwala sila na magbubukas ito ng maraming oportunidad, trabaho, at mga mamumuhunan para sa mamamayan ng Palanan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble