‘Bayanihan sa Barangay, inilunsad ng MMDA sa Pasay City

‘Bayanihan sa Barangay, inilunsad ng MMDA sa Pasay City

INILUNSAD ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “Bayanihan sa Barangay” project nito sa Pasay City nitong Miyerkules.

Ang ‘Bayanihan sa Barangay’ ay isang clean-up drive na nakatuon sa pagtulong sa mga lugar na may mataas na populasyon.

Layon din ng proyekto na mailapit ang serbisyo ng MMDA sa publiko tulad ng drainage declogging, paglilinis sa mga  waterway, pagprune ng mga puno, sidewalk clearing operations, pagpipinta ng mga pedestrian lane, misting, isang one-stop shop query para sa pagsettle ng mga violations at pagkumpuni ng perimeter fences.

Isinagawa ang proyekto sa mga barangay ng 127, 128, 129, 130, 131, at 132 sa Pasay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter