BBM ipagpapatuloy ang NTF-ELCAC sakaling maupo bilang pangulo ng bansa

BBM ipagpapatuloy ang NTF-ELCAC sakaling maupo bilang pangulo ng bansa

EPEKTIBO ayon kay dating senador at presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (BBM)ang pakikipagplaban ng kasalukuyang administrasyon laban sa mga teroristang grupong CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng NTF-ELCAC kaya handa niya itong ipagpatuloy.

Ito ang inihayag ni BBM sa SMNI presidential debates 2022, aniya ang mga terorista ay tinawag na terorista dahil kinakalaban nito ang mga ordinaryong tao gaya na lamang ng atletang Pinoy na si Keith Absalon na nasawi matapos maging biktima ng mga rebeldeng grupo.

Dagdag pa ni BBM, dapat lamang na dagdagan pa ang nasabing programa ng NTF-ELCAC at palawakin pa ito.
Sapagkat ang pang-aaping ito ng mga CPP-NPA ay dapat lamang na labanan upang maprotektahan ang ating estado.