BBM, nais ideklara ang March 15 bilang “Frontliners Day”

BBM, nais ideklara ang March 15 bilang “Frontliners Day”

NAIS ni presidential candidate Bongbong Marcos na maideklara ang March 15 bilang “Frontliners Day”.

Ito ay bilang pagkilala sa mga makabagong bayani ng bansa na buong tapang na sinasagupa ang panganib ng COVID-19.

Kung matatandaan, March 15, 2020 nang ideklara ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Pilipinas dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID-19.

Samantala ani Marcos, mula ng panahong iyon ay hindi sumuko ang mga frontliner na kinabibilangan ng mga health at medical worker, law enforcer, barangay official, ang mga empleyado ng grocery, palengke, bangko, mga delivery rider at maraming iba pa na itinuturing na ‘essential worker’ para makapagbigay serbisyo sa publiko sa kabila ng banta ng pandemya.

Saad naman ng runningmate nito na si vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na dapat ding bigyang pugay ng gobyerno ang mga frontliners na binawian ng buhay sa krisis.

Follow SMNI NEWS in Twitter