BBM nakaranas ng aberya sa pagboto sa Ilocos Norte

BBM nakaranas ng aberya sa pagboto sa Ilocos Norte

NAGKAABERYA ang ginawang pagboto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ngayong araw sa Mariano Marcos Memorial Elementary school sa Batac City, Ilocos Norte.

Hindi agad tinanggap ng Automated Counting Machine (ACM) ang balotang kaniyang isinubo.

Tatlong beses sinubukan ni BBM na isubo ang kaniyang balota sa ACM ngunit hindi pa rin nabasa ng makina ang kaniyang boto.

Dahil dito, pansamantalang natigil ang proseso habang inaayos ng Election Officers ang makina.

Ayon sa mga staff ng Commission on Elections (COMELEC), maaaring nagkaroon ng jamming o problema sa pag-scan ng makina, posibleng dulot ng alikabok o pagkalukot ng balota.

Makalipas naman ng ilang minuto, tinanggap na rin ng ACM ang balota.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble