Beauty queens, dumagsa uli sa Pilipinas para sa 2022 Miss Earth Pageant

Beauty queens, dumagsa uli sa Pilipinas para sa 2022 Miss Earth Pageant

DUMAGSA uli sa bansa at nagtitipon ang mahigit 80 na binibini mula sa iba’t ibang panig ng mundo para sa 2022 Miss Earth Pageant.

Upang ipagdiwang ito, nagpatawag ng isang welcome dinner ang organizer na Carousel Productions para sa mga kandidata, sa Versailles Palace sa Alabang, Muntinlupa City.

Kabilang sa dumalo sa nasabing pagtitipon si reigning Miss Earth Destiny Wagner, ang unang international beauty titleholder mula Belize.

At si 1999 Miss Universe First Runner-Up Miriam Quiambao, na nagbigay ng isang inspirational message.

Naging matagumpay naman ang naging pagtitipon ng mga kandidata.

Itatanghal ang 2022 Miss Earth Coronation Program sa Cove Manila Pool Club ng Okada Manila sa Parañaque City sa Nobyembre 29.

 

Follow SMNI News on Twitter