PUSPUSAN na ang pag-eensayo ng San Miguel Beermen dahil sa pansamantalang pagkawala ni June Mar Fajardo dulot ng throat problem nito.
Ayon sa coach nito na si Leo Austria, na bagamat wala si Fajardo pagsusumikapan pa rin ng Beermen na manalo sa ibang koponan.
Dagdag pa ni Austria na hindi sila sanay maglaro na wala si Fajardo lalo na ang tandem nilang dalawa ng import na si Diamond Stone.
Haharap sa 4 na games sa susunod na linggo ang Beermen, at ngayon puspusan na ang paghahanda para sa mga papalapit na laban kontra Converge, NLEX, Northpoint at Meralco.
Sa ngayon, nagpapagaling na si Fajardo na kamakailan lang sa isang procedure dahil sa kanyang laryngeal fracture.