Bentahan ng mga gulay sa Baguio at Benguet, normal na muli—DA

Bentahan ng mga gulay sa Baguio at Benguet, normal na muli—DA

NORMAL na muli ang bentahan ng mga gulay sa Baguio at La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) spokesperson Asec. Arnel de Mesa, simula Enero 8, 2024 ay nauubos na muli ang mga produkto at ang presyo ay normal na rin partikular na sa cabbage, wombok, at carrots.

Nilinaw rin ni De Mesa na walang naging oversupply batay sa kanilang pagsusuri kahit pa naiulat ito ng DA Regional Field Office Cordillera at ilang local government units (LGUs).

Sa kaniyang paliwanag, sa unang tatlong araw nitong buwan ng Enero 2024 ay kakaunti lang ang namili ng gulay sa trading centers.

Kakaunti rin ang trucking kung kaya’t ang ilang mga gulay na dapat maibenta ay hindi naibenta na nagresulta na rin ng mahabang pila.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble