Bentahan ng murang bigas sa Kadiwa stores, posibleng mahihinto na

Bentahan ng murang bigas sa Kadiwa stores, posibleng mahihinto na

POSIBLENG hanggang ngayong araw na lang, January 12, 2023 ang bentahan ng mga murang bigas sa Kadiwa stores.

Ayon ito sa Department of Agriculture (DA).

Sa mga Kadiwa store, nagkakahalaga lang ng P25 ang bawat kilo ng bigas simula nang magbukas ito noong November 2022.

Sa kabila nito, una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpapatuloy na bukas ang Kadiwa stores hanggang Pebrero o Marso ngayong taon.

Ayon kay Pangulong Marcos, ito’y hangga’t magiging stable na ang presyo ng pangunahing bilihin sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter