Beteranong mga aktor at aktres, pararangalan sa 7th Eddys

Beteranong mga aktor at aktres, pararangalan sa 7th Eddys

PARARANGALAN ng Entertainment Editors’ Choice Awards for Movies (Eddys) ang ilang mga beteranong aktor at aktres sa Pilipinas.

Ang mga ito ay sina Eva Darren, Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, at Gina Alajar.

Pararangalan din ang namayapa nang comic strip creator na si Carlo J. Caparas dahil sa kontribusyon nito sa Philippine Movie Industry.

Gaganapin ang event ngayong Hulyo 7 sa Ceremonial Hall, Marriott Grand Ballroom sa Pasay City.

Samantala, para sa 7th Eddys, nominated bilang best actress sina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Marian Rivera, Charlie Dizon, Vilma Santos, at Maricel Soriano.

Sa best actor ay sina Elijah Canlas, Dingdong Dantes, Cedrick Juan, Piolo Pascual, Alden Richards at Romnick Sarmenta.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble