MAGPI-perform sa magiging Christmas programming ng National Football League (NFL) ngayong taon ang American singer-songwriter at businesswoman na si Beyonce.
Inanunsiyo ito mismo ng singer at ng streaming service na Netflix.
Sa magiging performance, inaasahan na kasali sa mga kantang ibibida ni Beyonce ang mula sa kaniyang country album na “Cowboy Carter”.
Hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na mag-perform si Beyonce sa NFL.
Noong 2013 ay headliner siya sa Super Bowl XLVII at maging sa 2016 Championship Game kasama ang Coldplay at si Bruno Mars.