BFAR, tiniyak na sapat ang suplay ng isda sa nalalapit na Semana Santa

BFAR, tiniyak na sapat ang suplay ng isda sa nalalapit na Semana Santa

TINIYAK ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sapat ang supply ng isda sa bansa.

Ito ay sa kabila ng problema ng oil spill sa Oriental Mindoro at inaasahang malaking demand sa isda sa darating na Semana Santa.

Ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguerra, fishing season ngayon at marami pang lugar na alternatibong mapagkukunan ng isda.

Pagbibigay-diin pa ng BFAR na wala ring pangangailangan na mag-import ng isda sa bansa.

Base sa Philippine Statistics Authority, umaabot sa 4.34 milyong metriko tonelada ng isda ang na produce noong 2022.

Ito ay 2.16% na mas mataas kumpara sa local output noong 2021 at 0.6% na mataas sa target ng Department of Agriculture na 4.33 milyong metriko tonelada ng isda.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter