MGA bombero ang highlights sa isang survey ng private firm para sa mga da-best na trabaho dito sa Pilipinas.
Mahigit 20 years na sa Bureau of Fire Protection (BFP) si Fire Senior Superintendent Annalee Carbajal-Atienza.
Aniya, ang pagiging bombero ang pinaka-da-best na desisyon na kaniyang ginawa.
“I started as a cadet from the Philippine National Police Academy Class 2002 and on our third year, final year we already have a brief bird’s eye view of what’s the BFP is all about,” pahayag ni FS Supt. Annalee Carbajal-Atienza, Spokesperson, Bureau of Fire Protection.
Siya na ngayon ang tagapagsalita ng BFP.
Kung sahod ang pag-uusapan, nasa P34,000 ang entry level pay ngayon ng mga bagong bombero.
Doblado mula pa sa Duterte administration.
Kaya naman, tinanghal bilang number 1 employer sa Pilipinas ang ahensiya.
Batay sa 2024 survey ng market research and data analysis firm na Statista R, number 1 employer and Bureau of Fire mapa-gobyerno man o pribadong sektor.
9.22 ang score ng BFP.
Kahanay rito ang mga malalaking kompanya at negosyo sa Pilipinas.
Ayon kay Fire Chief Louie Puracan, ikinagulat nila ang resulta ng survey.
Pero, may katangian sila sa BFP na bukod sa ibang ahensiya.
“Kahit anong skill, pupwede ka sa organization. So, meaning kung ano ‘yung passion mo, ano ‘yung skill mo, hahanapan ka ng organization kung saan ka magfi-fit in,” ayon kay FDir. Louie Puracan, Chief, Bureau of Fire Protection.
Sa survey, number 1 recommended din ang BFP para sa mga naghahanapan ng trabaho.
May 36,000 na bombero sa buong Pilipinas.
At kada taon, dalawang libo lamang na mga bagong bombero ang kinukuha.
“Marami nag-umpisa sa amin dito Fire Office 1, pero ngayon active may mga star ranks na. In any other organizations you cannot find that. Dito lang po sa Bureau,” dagdag ni Puracan.
Kapag walang sunog, abala ang mga bombero sa inspection at fire prevention efforts.
First responders din sila sa lahat ng emergency at kalamidad.
Dahil sa Statista Survey, inaasahan ng BFP na maraming magkaka-interes na maging bombero.
“Siyempre po, high-morale kami when we found out that we were awarded as the top employer no,” dagdag ni Carbajal-Atienza.
“Sa mga kasamahan ko sa Bureau of Fire Protection, huwag natin sayangin ang pagkakataon na maglingkod sa bayan. Dahil kukunti lang ang binibigyang pagkakataon makapaglingkod sa bayan,” ani Puracan.
Bukod sa BFP, top 5 sa survey ang Supreme Court.
Binati naman ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang lahat ng kawani ng kataas-taasang hukuman sa achievement na kanilang tinanggap.
“Congratulations to all. From the lowest to the highest-ranking official of the judiciary all of you deserve a pat on the back. Maraming salamat!” wika ni Chief Justice Alexander Gesmundo.