BFP Manila, may contingency plan sa posibilidad ng water shortage dahil sa El Niño

BFP Manila, may contingency plan sa posibilidad ng water shortage dahil sa El Niño

IBINAHAGI ng Bureau of Fire Protection (BFP) Manila na mayroon na silang inilatag na contingency plan sakaling magkaroon ng kakulangan ng suplay ng tubig dulot ng El Niño.

Ito ay para matiyak na magagawa pa rin nilang rumesponde sa anumang insidente ng sunog.

Ayon kay BFP Manila Fire Marshall Sr. Supt. Christine Doctor-Cula, katuwang nila ang Maynilad at Manila Water para tiyakin ang maayos na suplay ng tubig.

May ginagawa na ring hydrant testing ang BFP para agad na makakuha ng tubig ang mga bombero sa mga lugar na may malakas na pressure ng tubig.

Palagian nang bilin ng BFP sa publiko na huwag namang aksayahin ang tubig para siguradong may magagamit sa mga panahong mas kinakailangan ito.

Lumabas naman sa datos na electrical, upos ng sigarilyo, at naiwang lutuan ang madalas na dahilan ng sunog sa Maynila.

Jumper, dahilan kung bakit nakukuryente ang mga bombero habang rumeresponde—BFP Manila

Nagpahaging naman ang tanggapan sa mga gumagamit ng jumper na nagiging dahilan kung bakit nakukuryente ang mga bombero habang nagreresponde.

Sinabi ng BFP na tumaas ng 32 porsiyento ang fire incident sa Maynila noong nakaraang taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble