Suplay ng tubig sa Metro Manila, hindi kukulangin sa gitna ng El Niño—MWSS

Suplay ng tubig sa Metro Manila, hindi kukulangin sa gitna ng El Niño—MWSS

WALANG magiging kakulangan ng suplay sa tubig sa Metro Manila at karatig-probinsiya nito kahit pa sa gitna ng nararanasang El Niño ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Nagpatupad na ang ahensiya ayon kay MWSS Manager Patrick Dizon ng mitigation measures o mga hakbang para mapagaan ang epekto ng tagtuyot noong 2023.

Isa sa kanilang hakbang ang pagkakaroon ng water elevation sa Angat Dam hanggang 214 meters mula 212 meters.

Aniya, ang karagdagang dalawang metro ay magsisilbing buffer supply ngayong tagtuyot kung kaya’t walang dapat ipangamba. Sa kabila rito ay hinihikayat ang lahat sa Metro Manila maging sa mga kalapit na probinsiya na magtipid ng tubig.

Inanunsiyo na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mararanasan ang malakas na epekto ng El Niño sa buwan ng Pebrero.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble