BH Party-list kinuwestiyon ang DQ na ipinasa ng COMELEC sa araw ng proklamasyon

BH Party-list kinuwestiyon ang DQ na ipinasa ng COMELEC sa araw ng proklamasyon

NASA 54 na party-list groups sa kabuuan ang nanalo ngayong 2025 midterm elections subalit nasa 52 party-list groups lang ang naiproklama na ng Commission on Elections (COMELEC) nitong Mayo 19.

Isa sa mga hindi na iproklamang party-list ay ang Bagong Henerasyon na nakakuha ng isang upuan sa Kongreso.

Ayon sa COMELEC, seryoso ang mga alegasyong ibinabato laban sa kanila, partikular ang disqualification case na inihaing nagresulta sa pagkaantala ng kanilang proklamasyon.

Ayon kay COMELEC Chairperson Atty. George Garcia, agad na pinadalhan ng kopya ng National Board of Canvassers (NBOC) Resolution ang Bagong Henerasyon Party-list upang ipabatid na hindi sila kasama sa proklamasyon ngayong hapon.

Ngunit salungat ang reaksiyon ng Bagong Henerasyon Party-list sa pahayag ng COMELEC.

“Kanina nagtataka na ako kung ba’t wala kaming invitation. Nagpadala na. Actually, meron kasing invitation sa amin sa mga Partylist and Generals. So nagpadala ko ng kung sinig-guests namin.  So pagpadala namin guests, sabi, they will get back to us. Mamaya dumadating na ‘yung NBOC resolution. That was 11 in the morning kanina. At sinasabing meron nga kaming disqualification case filed by a certain attorney.  So, ba’t wala kaming natatanggap?” ayon kay Cong. Bernadette Herrera, Bagong Henerasyon Party-List.

Ayon kay Herrera malinaw ang patakaran ng COMELEC na kailangang matanggap muna ng respondent ang kaso sa kanilang opisyal na address o email.

Subalit, sa kanilang pagsusuri, wala silang natanggap na kahit isang kopya ng petisyon.

Giit niya, hindi sapat na may nag-file lamang ng kaso para pigilan ang proklamasyon.

“Kasi ang rule naman ng COMELEC, before a disqualification case to be valid, it should be accepted by the respondent in the official addresses and email addresses ng filed mo before COMELEC. So pinaset ko lahat ng addresses namin na official, nasa kuan namin sa kalahatang email addresses namin, we never received a petition to disqualify us, wala kaming kasong natanggap.”

“Hindi ko rin po maintindihan. Parang finile daw after elections. Pero wala pa kasi akong nakakausap talaga dahil wala pa rin po talaga ako alam alin ang allegations na sinasabi at against sa amin wala po kaming idea at all. Kasi binigay lang ang tao na nag-file against us,” giit niya.

Isa sa mga nakikitang dahilan kung bakit natengga ang proklamasyon ng grupo ay ang hindi pagpirma ni Cong. Herrera sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte, pati na rin ang pag-endorso ng bise presidente sa kanila sa katatapos lamang na eleksiyon.

“Hindi ko masabing malapit pero at least kahit papano ay nagpapasalamat ako dahil isa po kami sa in-endorse ng ating Vice President Sara Duterte noong last elections and this elections po,” aniya.

Umaasa na lamang si Herrera na bago mag-Hunyo 30 ay maresolba na ng COMELEC ang nasabing isyu.

Bagamat nangangamba, naniniwala siya na malinis ang kanilang konsensiya at wala silang nilabag na kahit isang batas.

Sa kasalukuyan, naghain na ng urgent motion si Herrera upang maiproklama na ang kanilang partido habang patuloy silang umaasa ng malinaw na kasagutan mula sa COMELEC.

“When with lack of plausible explanation, siyempre ‘yun ang maiisip mo. Kasi wala… talagang, I’m grappling kung anong rason. Wala talaga akong mahahanap na rason pero I’m just hoping na siguro tomorrow mas may kaliwanagan sa akin, kung may makausap na kami sa COMELEC. Basta we filed an urgent motion to proclaim, tingnan po natin, ako umaasa pa rin naman po ako na hindi naman sana talagang totoo lang na ‘pag may naka-file na case laban sa’yo, kailangan niyo lang hingiin,” ani Herrera.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble