BI officer na umano’y kasabwat ng ilegal na pasahero, tinanggal muna sa puwesto

BI officer na umano’y kasabwat ng ilegal na pasahero, tinanggal muna sa puwesto

AGAD na ni-relieve muna ang isang immigration officer na hinihinalang kasabwat ng isang dayuhang pasahero na nais tumakas sa Pilipinas.

Gayunman ay hindi muna pinangalanan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang naturang empleyado dahil nagpapatuloy pa aniya ang imbestigasyon para matukoy ang katotohanan sa pangyayari.

Nauna diyan ay inaresto sa Clark International Airport ang overstaying na Indian national na si Jasbir Singh na nagtangkang tumakas patungong Singapore dahil kulang ang kaniyang travel documents.

Nagpakita umano si Singh ng boarding pass at immigration departure stamp at emergency travel document na walang BI stamp, pero wala siyang dokumento kaugnay ng pananatili nang matagal sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble