BIDA program ng DILG, inilunsad sa Xavier University-Ateneo de Cagayan

BIDA program ng DILG, inilunsad sa Xavier University-Ateneo de Cagayan

PERSONAL na nagpasalamat si Department of Local and Interior Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa pamunuan ng Xavier University-Ateneo de Cagayan matapos na magkasundo para ilunsad ang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) Program ng pamahalaan.

Ito’y upang maipaabot ang kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

Ayon kay Abalos, masaya siya na marami ang mga paaralan at unibersidad sa bansa na bukas sa nasabing programa para labanan ang pagkalat ng ilegal na droga.

Umaasa ang kalihim na magtutuluy-tuloy ang adbokasiya na ito sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble