Biden, nagsagawa ng surprise visit sa Ukraine

Biden, nagsagawa ng surprise visit sa Ukraine

NAGSAGAWA si United States President Joe Biden ng surprise visit sa Kyiv bago ang isang taong anniversary ng giyera ng Russia sa Ukraine upang ipakita ang matibay na pakikiisa ng Eastern European Country dito.

Ibinahagi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang larawan ng pagbisita ni Biden sa Ukraine sa kanyang official social media channel.

Ito ang unang pagkakataon na bumisita si Biden sa Ukraine simula nang simulan nang Russia ang pananakop at pag-atake nito sa bansa noong Pebrero 24 noong nakaraang taon.

Sinabi rin ni Biden na nakatakda pang maghatid ang United States ng panibagong military equipment na makakatulong sa pagprotekta sa Ukraine mula sa aerial attacks ng Russia.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram