Big-time drug supplier sa bansa nahuli sa Pampanga

Big-time drug supplier sa bansa nahuli sa Pampanga

NAARESTO ang tinaguriang big-time supplier ng ilegal na droga sa bansa na isang Chinese National at kasabwat na Pinay sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Friendship Highway, Brgy. Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga nitong Miyerkules, Mayo 14, ngayong taon.

Sa nakuhang video ng mga awtoridad, makikita sa posisyon ng mga suspek ang mahigit isang daang (101) kilo ng shabu, na may tinatayang halaga na halos pitong daang (P686,800) milyong piso.

Pawang nakasilid ang mga droga sa tea bags na karaniwang ginagamit ng mga nahuhuling suspek ng ilegal na droga.

Ayon sa inisyal na impormasyon, kinilala ang mga suspek na sina alias Wanng, 31-anyos, residente ng Clark, Pampanga, at alias Shania, 24-anyos, residente ng Tarlac City.

Agad na ikinasa ang malalimang imbestigasyon at tracking sa iba pang mga kasabwat nito at sa kung saan kinukuha ang suplay ng mga ilegal na droga.

“This operation is a product of our continuous tracking of our previous operations targeting the main source of the illegal drugs. The government is prioritizing the conduct of high-impact operations leading to high-volume drug seizures and the arrest of high-value drug personalities like alias Wang and Shania who are one of the top suppliers of illegal drugs in the country,” ayon kay Usec. Isagani Nerez, Director General, Philippine Drug Enforcement Agency.

Naging matagumpay ang operasyon sa pinagsanib na puwersa ng PDEA Intelligence Service; PDEA Regional Office-National Capital Region; at PDEA Regional Office IV-A Pampanga Provincial Office kasama ang support unit ng AFP-Counterintelligence Group at Philippine National Police Regional Police Drug Enforcement Units.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble