UMABOT na sa 18,262 ang COVID-19 cases sa hanay ng pulisya ayon sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP) noong Huwebes, Marso 15.
Mula sa nasabing bilang, mayroong 2,449 ang nanatiling aktibong kaso.
May na dagdag naman na new recoveries na 215 at may dalawang bagong naidagdag sa nasawi.
Inihayag ni PNP spokesman Brig. Gen. Ildebrandi Usana na patuloy ang kanilang pagkakaloob ng tulong sa mga tauhan ng PNP na tinamaan ng COVID-19.
“‘Yung continuous na treatment sa mga symptomatic at asymptomatic. They are being referred sa mga quarantine facilities. Mayroon po’ng mga doctor and nurses that are attending to them. And then along with that mayroong mga free meals that are provided to them by the PNP. Mayroon pang in addition na mga vitamins that are also being given to our personnel lalo na sa mga frontliner. At mayroon tayong mga initiatives din heading molecular laboratories na capable of conducting testing sa swab ng ating mga personnel,” pahayag ni Usana.
Maliban dito, nag-aabot din ang PNP ng financial support sa mga pulis na namatay dahil sa COVID-19.
Programa para sa mental at psychological matters ng mga pulis, pinagtibay
Sa kabilang banda, inihayag naman ni General Usana na maituturing na high risk group ang hanay ng kapulisan pagdating sa mental health issues ngayong panahon ng pandemya.
“Well I should say, yes because alam n’yo mahirap ang mga nasa frontline, vulnerability is so high that even police officers would had to be given appropriate intervention because mental is concerned. And the fact na marami tayong opisyal na namamatay din nagki-create din ‘yun ng prevention among our police personnel. With that, mayroong mga intervention that are being provided by the health service para sa mental health so mayroong mga counseling, meron silang appropriate assessment sa ating mga personnel na being affected,” ayon kay Usana.
Una rito, isinusulong ng PNP ang pagkakaroon ng counseling sa mga kapulisan.
Itoy matapos ipinag-utos ni PNP Chief Police General Debold Sinas na bumuo at palakasin ang spiritual counseling at mental health programs ng PNP.
Lalong lalo na sa mga tinamaan ng ng COVID-19 sa pamamagitan ng physical, social at social needs upang malabanan ang epekto ng virus sa kanilang katawan.
Ayon kay General Sinas na dahil sa pandemyang nararanasan ay napapabayaan ang ating spiritual na paglago.
“The impact of pandemic somehow has made us lose touch with our spiritual growth. Anxious of the deadly virus, we gamble the risk of our safety when we perform our functions but we continue to carry out our unparalleled service to everyone as frontliners,” pahayag ni Sinas.
Sinabi rin ni General Sinas na walang tigil ang mga kapulisan upang maipatupad ang lahat ng security measures upang maging ligtas ang lahat sa gitna ng nararanasang pandemya.
Magkakaroon din aniya nga mga online at physical pastoral visitation sa mga units at offices ng pulisya at iba’t ibang lugar upang maiangat ang moral ng bawat personnel.
Katuwang naman ng PNP ang iba’t-ibang religious groups na nasabing adhikain.