Bilang ng estudyanteng nag-paenroll para sa SY 2023-2024, nasa higit 18.8-M na

Bilang ng estudyanteng nag-paenroll para sa SY 2023-2024, nasa higit 18.8-M na

NASA higit 18.8 milyong estudyante na ang nagpatala para sa School Year 2023-2024, ayon sa Department of Education (DepEd).

Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) Quick Count, nasa 18,833,944 na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral.

Pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 3,114,341 na sinundan ng NCR (2,354,285) at Region III (2,062,981).

Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa Agosto 26, 2023.

Ayon pa sa DepEd, maaari na ring magpatala para sa Alternative Learning System (ALS) sa barangay, community learning center, o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble