NAKIPAG-ugnayan na ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa ilang bus operators upang hindi magkulang ang mga bus na bibiyahe sa patuloy na pagdagsa ng mga pasahero ngayong Kapaskuhan.
Apat na araw bago ang araw ng Pasko, dagsa ang PITX ng mga pasaherong uuwi ng kani-kanilang mga probinsiya.
Inaasahan ng PITX na papalo sa 170-k ang bilang ng mga pasahero kada araw habang papalapit ang Pasko.
Ilang mga biyahe patungog Bicol ay fully-booked na nga sa mga susunod na araw.
Pero ayon sa PITX wala dapat ipangamba ang mga pasahero dahil may masasakyan pa rin sila.
Nangako ani PITX-Corporate Affairs and Government Relations Head, Jason Salvador ang LTFRB na magbibigay ang ahensya ng karagdagang special permits sakaling kinakailangan magdagdag ng mga bus.
Payo ng PITX sa mga biyahero na mag-book ng kanilang mga ticket bago ang nais na araw ng pagbiyahe upang sa gayon ay hindi maabala.
Hangga’t maaari limitahan din aniya ang pagdala ng mga bagahe para maging matiwasay ang pagbibiyahe lalo na ang may mga kasamang bata.
Katuwang naman ng mga security personnel ng PITX ang PNP para tiyakin ang seguridad sa terminal.
Tuluy-tuloy rin ang pagsasagawa ng random drug test sa mga driver at random inspection sa mga bus.
Mahigpit din nilang binabantayan ang mga nananamantala na mga PUV na naniningil ng pamasahe ng sobra-sobra.
Walang holiday at 24/7 na bukas ang operasyon ng nasabing terminal.