Bilang ng mga Pilipino na nakaranas ng gutom tumaas sa 27.2% ngayong Marso—SWS

Bilang ng mga Pilipino na nakaranas ng gutom tumaas sa 27.2% ngayong Marso—SWS

AYON sa Social Weather Stations (SWS), pumalo sa 27.2% ang hunger rate ngayong Marso 2025, mas mataas kumpara sa 21.2% na naitala noong Pebrero.

Ito na ang pinakamataas na hunger rate mula nang maitala ang 30.7% noong kasagsagan ng COVID-19 lockdowns noong Setyembre 2020.

Sa 27.2% hunger rate ngayong taon, 21.0% ang nakaranas ng moderate hunger, habang 6.2% naman ang dumaan sa severe hunger.

Pinakamataas ang naitalang hunger rate sa Visayas, na sinundan naman ng Metro Manila, Mindanao, at Balance Luzon.

Isinagawa ang survey mula Marso 15-20, gamit ang face-to-face interviews sa 1,800 respondents na may edad 18-anyos pataas.

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong nakararanas ng gutom, muling naitutuon ang pansin sa mga hamon ng ekonomiya at seguridad sa pagkain sa bansa. Habang patuloy na bumabangon mula sa mga epekto ng pandemya at iba pang krisis, nananatiling mahalaga ang mga hakbang at programa upang matiyak na walang pamilyang Pilipino ang magugutom.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble