NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga Pilipinong tripulante na nailigtas mula sa MV Eternity C —ang barkong inatake ng Houthi rebels sa Red Sea.
Sa pinakahuling ulat ng Department of Migrant Workers (DMW), kinumpirma ni Secretary Hans Leo Cacdac na umabot na sa walo ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong seafarers na nailigtas sa insidente.
Ayon kay Cacdac, matapos masagip ang unang limang crew members, tatlo pang Pilipino ang natagpuan at ligtas na nailikas ng search and rescue team.